Sunday, May 17, 2009

Paper city - Bratpack window display

ito ang project namin ngayon nila abi, rommel at erica, window display para sa bratpack stores na gawa sa paper sculptures.ilang linggo na rin namin tong ginagawa, kaya matagal na ding nakakapagparamdam sa mga utaw (pasensya na po).

first time kong gumawa ng window display at marami akong natututunan habang ginagawa namin ito, tumataas respeto ko sa maraming tao dahil ang hirap nya talagang gawin. kung ivi-video nga lang namin ang proseso ng paggawa ay nakakatawang makita kung pano abutan ng antok ang bawat isa, pa-agaw agaw lang ng idlip. pagkatapos ng maraming puyat at glue gun burns ang premyo na lang namin ay masayang tignan ang natapos namin. masaya namang gawin ito lalo na pag magkakasama kung saan napag-uusapan namin ang maraming bagay, mga pangarap, frustrations at syempre ang paborito ng lahat pag-ibig. hehe marami din akong natikmang bagong pagkain dahil kanila rommel.

may ilang window display pa kaming kailangang matapos bago pumasok ang june kaya sana matapos na namin. kaya natin to guys! think positib, walang aayaw! go! go! go! ^__^