ito ang project namin ngayon nila abi, rommel at erica, window display
para sa bratpack stores na gawa sa paper sculptures.ilang linggo na rin
namin tong ginagawa, kaya matagal na ding nakakapagparamdam sa mga utaw
(pasensya na po).
first time kong gumawa ng window display at
marami akong natututunan habang ginagawa namin ito, tumataas respeto ko
sa maraming tao dahil ang hirap nya talagang gawin. kung ivi-video nga
lang namin ang proseso ng paggawa ay nakakatawang makita kung pano
abutan ng antok ang bawat isa, pa-agaw agaw lang ng idlip. pagkatapos ng
maraming puyat at glue gun burns ang premyo na lang namin ay masayang
tignan ang natapos namin. masaya namang gawin ito lalo na pag
magkakasama kung saan napag-uusapan namin ang maraming bagay, mga
pangarap, frustrations at syempre ang paborito ng lahat pag-ibig. hehe
marami din akong natikmang bagong pagkain dahil kanila rommel.
may
ilang window display pa kaming kailangang matapos bago pumasok ang june
kaya sana matapos na namin. kaya natin to guys! think positib, walang
aayaw! go! go! go! ^__^