Tuesday, November 15, 2011

Ilusyon


Sa katapusan ng buwan maglalabas ang Musikangbayan ng kanilang bagong album, entitled "Ilusyon." Nagkaron ulit ako ng pagkakataon na makagawa ng design para sa kanila, ang main idea ay nanggaling sa carrier single nila na "Ilusyon" isang awit na tungkol sa mga pagbabagong ipinangako ngunit di pa rin natutupad. Narito ang Lyrics ng kanta:

Ilusyon

E, ano, e ano kung  maganda ang sinabi
Ito ba, ito ba, ito ba’y mangyayari
E ano, e ano kung taimtim ang pangako
Ito ba, ito ba’y magkakatotoo

Tulad ng lumipas na mga pangulo
Mga talumpati’y walang kasimbango
Hitik sa pangako ngunit napapako
Ilusyon lang ang pagbabago

Hangga’t pare-pareho mukhang nakapaligid
Mga asendero, negosyanteng ganid
Pulitikong bulok, dayong mapanghimasok
Ilusyon lang ang pagbabago

Hanggat sa araw-araw mayroong lumilikas
At sa ibayong dagat kabuhaya’y hanap,
Hanggat may iskwater sa sariling bayan
Ilusyon lang ang pagbabago

Hanggat may nagpapasasa sa Hacienda Luisita
At wala pa ring lupa ang mga magsasaka
Korapsyong laganap paanong magwawakas?
Ilusyon lang ang pagbabago

Hanggat nagpapatuloy ang mga pagpaslang
At ang katarungan di pa rin nakakamtan
At ang mga may sala malayang-malaya
Ilusyon lang ang pagbabago

O isa na namang malaking panloloko?

Kinuha ko yung mga elements sa kanta bilang mga indibidwal na elemento sa disenyo tulad ng imahe ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita, mga pagpaslang sa maguindanao at ginawan ng paraan na pwede silang buuin bilang isang main artwork sa isa sa mga pages ng album. Ang ideya ay makagawa ng isang main artwork na may imahe ng kaunlaran bilang ulo pero napaliligiran din ng nag-uumapaw na problema sa lipunan. Salamat kanila sir Danny Fabella sa muling pagtitiwala sakin na magdisenyo para sa kanila.





Musikang Bayan (People’s Music) is an acoustic band.
It was formally formed in 2002, a year after its first music album was recorded and launched. It is composed of 4 members whose objective is to write and popularize the songs of ordinary people from different sectors of society. Its name was derived from those who toil, create and build our society and who makes history. Their lives, aspirations and heroism always inspire the group to compose and perform.

For orders
please text to 09209600641
Musikangbayan Facebook

Salamat.