Sunday, October 10, 2010

paglusong

Isang illustration na ginawa ko para sa isang kaibigan. Tungkol ito sa pagtanda, minsan may pagkakataon na hinihingi satin ang tumanda ng mas maaga at kadalasan nalulungkot tayo kapag dumating na sa point na hindi na natin nagagawa yung mga paborito nating gawin nng mga bata tayo, minsan pa nga namimiss natin yung pakiramdam ng pagiging bata na parang lahat posible at wala kang limitasyon.  Sa isang kwentuhan na nauwi sa paglalabas ng mga angas (quarter life crisis? hehe), napag-usapan namin ng kaibigan ko na parang yung pagtanda ay constant na paggawa ng mga compromises. Na parang nung bata ka armored ka at protektado sa mga negative things at sa idea ng limitasyon. Sa paglusong mo sa mundo ng pagtanda parang unti-unting natatanggal 'tong armor na to, kasabay ng pagkawala ng proteksyon mo ay ang unti-unti ring pagbibigay ng parte sarili mo sa bagay na inaakala mong kailangan mong gawin, o ma-achieve, o makuha hanggang dumating na sa point na wala ng natira sa'yo kundi isang hubad na pagkatao na vulnerable sa pain. Hay emo mode na naman.

No comments:

Post a Comment