Thursday, December 22, 2011

New books!


Mga bagong libro ngayong december halo-halong binili at niregalo. Madalas nagda-download lang ako ng ebook pero iba pa rin talaga ang pakiramdam ng nakakahawak ng actual pages ng isang libro. Kasama sa mga bagong dating sa maliit kong library ay:

The Artful Dodger ni Nick Bantock, collection ng mga luma nyang trabaho kasama na rin ang mga kwento nya sa  paggawa ng Griffin and Sabine

Rebus
ni James Jean (salamat sa mga post ni Rommel sa blog niya at nakumbinsi na kong bumili)

Out of Picture Volume 2
-collection siya ng mga short stories na dinraw ng iba't ibang artists

Neverwhere
ni Neil Gaiman

Blindness
ni Jose Saramago- isa sa mga pinakapaborito kong nobela.

The Cave
ni Jose Saramago

Habibi
ni Craig Thompson-technically di ko ngayong December ito nabili pero ngayon ko pa lang mababasa kaya sinama ko na rin. Isa sa mga inabangan kong libro ng matagal, kasama ko pa yung isa kong kaibigan sa pagbantay sa blog nya, sa wakas lumabas na din.

salamat ng marami kay Rina at Charlene para sa Blindness at sa Neverwhere, matagal ko nang nabasa yung mga novel na to pero ngayon lang ako nagkaron ng sarili kong kopya. Ayus!


5 comments:

  1. parang gusto kong bilhin yung out of picture. alam ko maganda yung art pero di lang ako sure sa mga kuwento. nainggit ako bigla. hehe.

    try mo rin mabasa or bilhin yung The Invention of Hugo Cabret at Wonder Struck, bago dumating yung pelikula. :)

    ReplyDelete
  2. hinahanap ko nga rin yun, la pa kong matyempuhan. :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. sa national q ave may wonder struck. Sa Fully Booked North meron sigurong Hugo Cabret. Nasa children's section yun. :)

    ReplyDelete
  5. ayus! sige hanapin ko yung hugo sa sm north. :)

    ReplyDelete