Monday, October 25, 2010

Trip to Quiapo


the new reprint of Ricky Lee's scriptwriting manual "Trip to Quiapo"

design by Karl Castro
cover illustration by me

Sunday, October 10, 2010

paglusong

Isang illustration na ginawa ko para sa isang kaibigan. Tungkol ito sa pagtanda, minsan may pagkakataon na hinihingi satin ang tumanda ng mas maaga at kadalasan nalulungkot tayo kapag dumating na sa point na hindi na natin nagagawa yung mga paborito nating gawin nng mga bata tayo, minsan pa nga namimiss natin yung pakiramdam ng pagiging bata na parang lahat posible at wala kang limitasyon.  Sa isang kwentuhan na nauwi sa paglalabas ng mga angas (quarter life crisis? hehe), napag-usapan namin ng kaibigan ko na parang yung pagtanda ay constant na paggawa ng mga compromises. Na parang nung bata ka armored ka at protektado sa mga negative things at sa idea ng limitasyon. Sa paglusong mo sa mundo ng pagtanda parang unti-unting natatanggal 'tong armor na to, kasabay ng pagkawala ng proteksyon mo ay ang unti-unti ring pagbibigay ng parte sarili mo sa bagay na inaakala mong kailangan mong gawin, o ma-achieve, o makuha hanggang dumating na sa point na wala ng natira sa'yo kundi isang hubad na pagkatao na vulnerable sa pain. Hay emo mode na naman.

Saturday, August 21, 2010

Postcards from Nowhere


Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang INK) held an exhibit entitled Postcards from Nowhere, the 19th Ang INK Annual Exhibit, which runs until September 30 at the Tala Gallery 100 Scout De Guia Steet, Kamuning, Quezon City.

Postcards from Nowhere is an exhibit about fictional geographies, places that do not exist on any map, and the power of the imagination to create landscapes from thin air.

Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang I.N.K.) is the Philippines first and only non-profit organization of illustrators for children. Founded in 1991, our mission is to uplift the Filipino child's love for reading, art and learning through the creation and promotion of illustrations for children.

Here are the photos from the exhibit opening, courtesy of Brendan Goco and Piya Constantino.



















"pagsubok sa takot"/ "testing fear"
17X24
digital media on canvas

notes: paano nga ba pinagtatagumpayan ang takot? paano ka ba bigla na lang tatalon at bubulusok sa di mo pa nalalaman?   paano ba kumbinsihin ang sarili na kaya mo gawin ang inaakala mong di mo kaya? paano ba kumawala sa siklo ng pagtatanong papunta sa aktuwal na pagkilos. tanong ko ito palagi sa sarili, kahit pa tila gumagawa ako ng maliliit na hakbang pasulong di ko pa rin maiwasan ang dumungaw muna sa pupuntahan tapos umatras ng ilang pulgada at mag-isip, mag-analisa, pagduduhan ang sariling mga kakayanan, matutong umasa, subukin ang sariling kakayanan, at magsimula ulit sa simula.


Saturday, August 14, 2010

pagtatala ng memorya

Bakit kaya laging binabalikan ang mga natapos na?
Kahit parang malayo na sa mga pagkakataong iyon naghahanap pa rin ng palatandaan dahil sa takot na ito'y tuluyang mawala. Hindi para sa baguhin ang kasalukuyang kalagayan pero para lamang makumbinsi ang sarili na hindi ito gawa ng imahinasyon lang, at kahit naitapon na o naiwala na ang mga pisikal na bakas ng mga alaalang iyon ay susuyurin pa rin ang bawat sulok ng isipan at pipiliting balikan, hawakan, yakapin ang mga pagkakataong may naramdamang totoo.

Thursday, June 10, 2010

When I was Seven


Group exhibit by Ang INK entitled "When I was Seven"
on June 1-15, 2010 at the Gallery 7 Digital Studio, 3rd level Eastwood Mall in Libis.



here's my entry

"Balikbayan Box"
10x10
Digital media on canvas

When I was seven my father wasn't really around because he worked abroad, so I always thought of flying over there using a box-made spaceship while wearing a towel as a cape. 
























Sunday, April 25, 2010